Katutubong Wika at Sariling Pagpapasya
Katutubong Wika at Sariling Pagpapasya
Paanyaya na dumalo sa isang malayang talakayan kasama ang mga Katutubong Teduray at Lambangian sa 07 Mayo, 2024 sa PH 400, ganap na alas 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Ang malayang talakayan ay may temang “Katutubong Wika at Sariling Pagpapasya.” Layon po ng gawaing ito na magkaroon ng bukas at malayang talakayan tungkol sa wika at pamumuhay ng mga etnolinggwistikong grupong Teduray at Lambangian, sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan (sa Teduray, “se’urët – urët”) sa mga tagapag-ingat ng dunong katutubo ng mga ito.
Ang gawaing ito ay bahagi ng mga nakalinyang gawain para sa Culture Bearers-in- Residence Program ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Ang ilustrasyon na ginamit sa poster ay hango sa litrato na kinuha ni Khrizia Beille Villa, mag-aaral ng Mass Communication ng Notre Dame University (Source link:
https://www.pna.gov.ph/ articles/1027913)