Haraya 2030
Ang Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman ay
Isang institusyong kinikilala sa daigdig bilang sentro ng kahusayan sa edukasyon, paglikha ng kaalaman, at serbisyo publiko sa larangan ng agham panlipunan at pilosopiya.
Lumilikha ng mapaghawang pananaliksik na nagtatampok ng iba’t ibang kalakasan ng mga disiplina ng agham panlipunan at pilosopiya upang mapagbuti ang uri ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Isang masigla at maláy na komunidad ng kaguruan, mananaliksik at empleyadong pang-ekstensiyon, estudyante, kawani, at alumni na maagap at buong-sigasig na nakikisangkot sa mga usapin at suliraning lokal, pambansa, at pandaigdig.
Mahalagang kabahagi sa paghubog ng ulirang nagtapos sa UP.
Pahayag ng Misyon
Ang Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman ay nangunguna sa paglalatag ng akademikong pamantayan at pagpapasimuno ng makabagong pamamaraan sa edukasyon, paglikha ng kaalaman, at serbisyo publiko sa larangan ng agham panlipunan at pilosopiya.
Nakikisangkot at nagtataguyod sa mga lokal at katutubong kaalaman at kakayahan na lubhang mahalaga sa pagpapainam ng kalagayan ng sangkatauhan.
Kabahagi sa paghubog ng mga estudyante ng UP, mga Iskolar ng Bayan na nakikisangkot at kumikilos nang may dangal, husay, at malasakit.