Poster Art Contest
Anunsyo mula sa UPD Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA):
Ikinagagalak na ibahagi sa inyo ng Bulwagan ng Dangal at UPD Office for Initiatives in Culture and the Arts ang pagbubukas ng outdoor exhibition na "Sining Protesta: Imahe at Tema, Anyo at Pagkilos" noong Miyerkules, 21-Setyembre, bilang bahagi ng ika-50 taon na anibersaryo ng pagdeklara ng Martial Law. Ito ay binubuo ng 67 na mga likhang sining na nilikha ng 55 na artista at grupo ng mga artista mula sa dekada ’70 hanggang sa kasalukuyan. Kaakibat ng mga ito ang mga larawan ng pagkilos mula sa dekada ’70 hanggang ’80. Nais sariwain at ipagbunyi ng eksibisyon ang kapangyarihan ng sining biswal na maglantad, pumuna, at magtuligsa sa mga mapanupil na pangyayari at kalagayan sa ating lipunan.
Malugod rin naming iniimbitahan na bumisita sa UPD Academic Oval upang matunghayan ang eksibisyon, na tatakbo hanggang 9-Oktubre. Para sa mga mag-aaral na hindi makakabisita sa UPD Academic Oval, maglalabas kami ng kabuuang dokumentasyon ng eksibisyon sa mga susunod na mga araw.
Bukas na rin ang isang sangay na proyekto ng eksibisyon, ang "Poster Art Contest." Inaanyayahan ang mga aktibong mag-aaral ng UP (di-gradwado, Grades 11 at 12) na magsumite ng kanilang likhang sining na magpapalawak at magpapalalim sa mga ideya ng Sining Protesta sa kasalukuyang panahon at mga likhang sining na nakapaloob dito. Ang mga tuntunin ng contest ay nakapost sa UPD OICA website (https://bit.ly/siningprotestaposterartcontest). Ang limang kalahok na mananalo ay makakakuha ng Php 6,000 bawat isa. Para ipadala ang mga entry (deadline 7 Oktubre 2022), pumunta lamang sa bit.ly/SP2022Submission.
Para sa karagdagang tanong, maaaring magpadala ng email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..