
Ang Opisina ng Kawaksing Dekano Para sa Usaping Pang-Akademiko ng KAPP at sa pakikipagtulungan ng Departamento ng Agham Pampulitika ay inaanyayahan ang mga guro at mag-aaral na lumahok sa ikaapat na KAPP Serye ng Panayam 2025. Ito ay gaganapin sa ika-26 ng Setyembre 2025, Biyernes, 1:00 ng hapon sa Pilar Herrera Lecture Hall.
Tampok na tagapagsalita si Dr. Jan Robert R. Go na magbabahagi ng kanyang pananaliksik tungkol sa Storytelling as a Method for Researching Unheard Voices Within Political Science.