KAPP Serye 2025: MAPA ng Loob

Ang Opisina ng Kawaksing Dekano Para sa Usaping Pang-Akademiko ng KAPP,  sa pakikipagtulungan ng Departamento ng Sikolohiya at UP Personality and Individual Differences Laboratory ay inaanyayahan ang mga guro, mag-aaral, kawani ng administrasyon at REPS na lumahok sa ikatlong KAPP Serye ng Panayam 2025. Ito ay gaganapin sa ika-28 ng Agosto 2025, Huwebes, 5:00 ng hapon sa Pilar Herrera Lecture Hall.

Tampok na tagapagsalita ang mismong may-akda ng Masaklaw na Panukat ng Loob (Mapa ng Loob) na si Dr. Gregorio del Pilar para paglalimin ang pagkakaintindi kung paano masusukat ang “Big Five traits” gamit ang mga katangiang Pilipino. Bilang pagdiriwang sa ika-sampung anibersaryo ng Mapa ng Loob, Iguguhit ni Dr. del Pilar ang landas na humantong sa pagkatha ng Mapa, pati na rin ang mga hangarin niya para sa patutunguhan ng proyektong ito.

Magparehistro sa link na ito: https://forms.gle/vgwkwBkWfk4K7fJN7