Pagkilala sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP) ngayong Buwan ng Wika 2024

Bilang bahagi ng selebrasyon para sa Buwan ng Wika 2024, kinilala ngayong araw ang Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP) para sa kanyang mahahalagang kontribusyon sa pagsisikap at pagsusulong sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo, pagsasanay, pananaliksik, publikasyon, opisyal na komunikasyon at serbisyo publiko.

Kabahagi po namin ang buong komunidad ng KAPP sa natatanging karangalang ito!